Group 2
September 2022
PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA
#MaghandaLabanSaBaha #HuwagSusukoSaPagguho
Ang pagguho ng lupa ay maaaring maging sanhi ng pagbaha at ang pagbaha ay maaaring maging sanhi ng pagguho ng lupa. Ang mga sakuna na ito ay malapit na nauugnay dahil pareho silang nauugnay sa matinding pag-ulan, runoff, at saturation ng lupa.Ang mga materyal mula sa pagguho ng lupa ay maaaring humarang sa mga ilog at dagdagan ang panganib ng mga baha. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng pagbaha sa pamamagitan ng pagharang sa mga stream channel. Ang debris nito ay nagdudulot ng pagbabaha ng backwater sa upstream na mga lugar at downstream na pagbabaha rin.Kaugnay nito, ang pagbaha ay maaaring magdulot ng pagguho ng lupa, dahil sa mabilis na paglipat ng tubig-baha, na kadalasang nagpapababa sa mga slopes. Na maalis ang suporta mula sa base ng saturated na mga dalisdis, madalas na nagaganap ang pagguho ng lupa.
PAGBAHA

Ito ang pag-apaw ng tubig sobra-sobra. Ito ay kadalasang nangyayari sa panahon ng tag-ulan at tag-bagyo. Maari ding magkaroon ng tsunami kapag mayroong baha.
Paano ito nangyayari?
> Sobrang lakas na ulan o bagyo umaapaw ito at nagtitipon sa mababang lupain.
> Debris at mga basura na naka harang
> Pagtaas ng lebel ng dagat, pagtunaw ng yelo
> Global warming; kapag umiiniit 'yung mundo, lalong lalawak yung sakop ng tubig.
> Tsunami; madalas nangyayari dahil sa paggalaw ng tectonic plates. Pwede din ito mangyari dahil sa landslide
Ano ang mga preparasyong dapat gawin?
1. Maging updated sa balita. Kadalasan na nagiging sanhi sa pagbaha ay mga mabigat na pagulan kaya't dapat tayo ay maging maalam sa mga bagyong pumapasok sa bansa.
2. Magkaroon ng emergency kit upang mayroong paraan na makatutulong sa sarili.
3. Ihanda ang iyong tahanan. Kung ang tubig ay simula ng tumataas o pumapasok sa loob ng inyong tahanan, dapat alamin ang mga hazards na maaaring maging sagabal at tanggalin ito habang may oras pa.
4. Relocate. Alamin kung saan ka dapat tutungo at hindi basta't basta na lamang titigil sa iisang lokasyon.
Ano ang dapat gawin bago, habang, pagkatapos ng baha?
Bago ito mangyari...
- Maghanda ng mga kinakailangan katulad ng first aid kit, pagkain, tubig, damit, pera, kagamitang pang komunikasyon
- Alamin kung saan lilisan kung maaring magkaroon ng pagbaha sa inyong lugar
- Kung maari, gumawa ng mga harang upang maiwasan ang pagbaha sa iyong tahanan
ilagay ang iyong mga mahahalagang bagay tulad ng mga dokumento sa isang lalagyan na hindi tinatablan ng tubig
- Palagi maging alertoHabang nangyayari ito...
- Makinig sa balita upang masubaybayan ang panahon
- Tanggalin sa saksakan ang mga kagamitan
- Pumunta sa mataas na lugar kung maari
- Agad na lumikas sa iyong lugar
- Palagi maging alertoPagkatapos nito...
- Siguraduhin ang iyong tahanan/lugar ay ligtas
- Panatilihin ang mabuting kalinisan pagdating sa paglilinis ng mga kalat na ginawa ng baha
- Humingi ng tulong mula sa mga propesyonal
- Palagi maging alerto
PAGGUHO NG LUPA

Ito ay ang pagbaba ng lupa. Ito ay ang pagguho ng mga bato, burak, at ibang bagay na nasa mataas na lugar. Ito ay nangyayari kapag may malakas na ulan o malakas na pagyanig ng lindol.
Saan nanggagaling ang pagguho ng lupa?
Ang kadalasan nating tawag sa wikang ingles ay "landslide" o "landslip". Maraming sanhi ang pagguho ng lupa, base sa Department of Defense ito ay maaring dahil sa mga matatarik na dalisdis, mahina at makapal na lupa, manipis na tubo ng lupa, pagkabitak o pagbasag ng bato, o kaya naman dahil sa paghina ng dating matitigas na bato dahil sa tinatawag na "weathering".
Ano ang mga preparasyong dapat gawin?
Maaaring sirain ng pagguho ng lupa ang lahat ng bagay sa landas nito. Ang mga pagguho ng lupa ay mabilis na nagaganap at maaaring hindi mahuhulaan o minsan ay isang biglang pangyayari. Kaya't mahalaga na maghanda tayo sa mga ganitong pangyayari. Ang sumusunod na listahan sa ibaba ay mga bagay na maaari mong gawin upang protektahan ang iyong sarili, ang iyong pamilya, at ang iyong mga kaibigan:1. Gumawa ng "Disaster suply bag" o "Go bag"
2. Maging organisado at lagyan ng label ang lahat ng iyong kagamitan, ito ay mahalaga sa mga kagipitan.
3. Gumawa ng "emergency plan" para sa iyong tahanan at sa anumang lugar.
4. Maging pamilyar ka sa iyong kapaligiran at dinadaan.
5. Kilalanin ang mga senyales ng panganib sa pagguho ng lupa.Ang mga linalaman ng "Disaster suply bag" o "Go bag"
- Flashlight
- Whistle
- First-aid Kit
- Battery-powered radio
- Water
- Food
- Toiletries and plastics
- Extra batteries
- Cellphone and chargers
- Local map
Ano ang dapat gawin bago, habang, pagkatapos ng pagguho ng lupa?
Bago ito mangyari...
- Maghanda ng Emergency kit at Emergency plan.
- Alamin kung pwedeng gumuho ang lupa sa lugar na malapit sa inyo.
- Makinig sa balita upang malaman kung may potensyal na pagguho ng lupa.
- Maging pamilyar sa inyong lugar.
- Alamin ang iba't ibang palatandaan ng posibleng pagguho ng lupa.Habang nangyayari ito...
- Mag handang lumikas
- Maging alerto sa paligid
- Sumilong sa ilalim ng mesa o upuan hanggang matapos ang paggalaw ng lupa
- Lumayo sa potensyal na landas ng lupaPagkatapos nito...
- Makinig sa balita o sumabaybay sa news outlets at emergency officials
- Lumayo kung saan nangyari ang pagguho ng lupa
- Maging alerto pa rin sa paligid




